Start Na: Ang Kwento Kung Bakit May Saging Ako sa Braso

IMG_0825

My tattoo has been itching these past days. Mga January of this year ko pa pinalagay ‘to kaya tapos na tapos na dapat ‘yung makati phase niya. Being the panikera (from the root word panik, haha panic kasi!) that I am, I researched possible reasons why it’s itching. Sabi ng Internet, baka daw may chemical change sa katawan ko o kaya allergic reaction lang. Pero mas magaling ako sa Internet. Alam ko kung bakit kumati yung tattoo ko.

I never shared to you why I got a tattoo and why these three symbols. I give different answers whenever I’m asked about it. Yung madaling sagot, “religions.” Moon for Islam, lotus for Hinduism, and cross for Christianity. Pero hindi ‘yun totoo. Minsan naman, mas lalo na kapag tinatawag nilang saging yung lotus, ang sinasabi ko, “Sa gabi (moon), kakain ako ng saging tapos magdadasal ako.” Actually, one of my friends interpreted my tattoo that way. May point din naman siya!

Side note: Tattoos are good conversation starters. Mas lalo na kapag pogi yung may tattoo. :))

Pero kapag nasa mood ako, I tell them the real meaning of my tattoo. And for those of you who has a tattoo, or thinking of getting one, you should know that tattoos always have profound meanings. Simple lang yung sakin. Profound, pero simple lang.

The moon nourishes my soul. It calms me. I don’t know why but I feel a deep connection with it. Nung nabasa ko yung quote sa Veronika Decides to Die ni Paulo Coelho (“She didn’t quite know what the relationship was between lunatics and the moon, but it must be a strong one, if they used a word like that to describe the insane.”), medyo naintindihan ko na. I think it also warms my soul knowing that the moon, despite its constant changing and its dark side, it still gives light. Kaya may moon.

Lotus signifies divine beauty. And I am beautiful. Charot lang! A lotus floats in muddy waters. Nakatanim siya sa pond na madumi yung ilalim, madilim, yung hindi mo alam kung makakaahon ka pa. Pero yung lotus, kinaya niya. At hindi lang basta, basta ahon. A lotus grows beautifully. To me, it’s a reminder that there is no excuse for you to grow and for your soul to expand kahit na gaano pa man ka-dilim ang sitwasyon.

Cross simply symbolizes faith. Having faith that things will work out fine because there is a greater power and reason beyond all of us.

I always wanted to have tattoos. Ilang beses ko na naloko yung mga magulang ko at mga kapatid ko na may tattoo ako by drawing or writing on my arm, shoulders, etc. I’ve been looking at designs and finding reasons, waiting for pivotal events in my life before I get one… but then I thought, baka hindi ko siya magawa if I keep on waiting. So I just did it. AND IT FELT SO GOOD! Especially, to have my parents’ support… eventually. My mama told me na nalungkot siya with my decision but she still didn’t stop me. Kahit na matanda na kayo at may sariling utak, I still think it’s proper to let your parents know that you’re getting a tattoo. Respeto na lang guys, ni lamok hindi nila hinayaan na dumapo sa balat ko para hindi ako masaktan tapos ganun ganun na lang! Anyway… Your tattoos should be something that you should be proud of, yung hindi niyo kailangan itago. At priceless yung comfort na hindi mo siya kailangan itago sa mga magulang mo.

We all have things that we wish to do or to have. I still have plenty on my list. Nung nagpa-tattoo ako, alam ko na uumpisahan ko na tuparin lahat ng nasa dream list ko. Wala na akong excuse. Especially now, that I’m sharing this to you. Kapag tinatamad ako o kaya nawawalan ng gana, titignan ko lang yung tattoo ko tapos maiisip ko, sayang naman at nagpa-tattoo ako kung hindi ko paninindigan yung meaning nila. Make sure na kaya niyong panindigan yung tattoo niyo at lahat ng bagay na gagawin niyo. Kasi forever na yan. Mahal at mas masakit daw magpatanggal ng tattoo!

So lately, nung nangangati yung tattoo ko, feeling ko lang–dahil gitna na rin ng 2017, pinapaalala niya sa akin na “Huy! Kilos kilos na! Start na!” I was and maybe still in the dark but I will try to keep my light, to rise above the muddy waters and to hold on to my faith. 🙂 By the way, hindi na itchy yung tattoos ko.

Ang point lang naman nito, magiging seryoso na ko sa diet at workout ko :))

With love and tattoos, K.

PS. Si @mialocatattoo yung gumawa nito. Magaling siya at very collaborative. Masaya pa kausap kaya hindi ka matatakot or kakabahan. Siya rin ang nag-tattoo kay Drew Arellano, Maine Mendoza at marami pa! Check out her page!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s