Lessons I Learned from My Babies

I’ve been very fortunate to have worked on four films this year. It’s the busiest I’ve been (although yung isa, post-production na lang halos) pero ito rin yung pinaka-fulfilling in so many many ways.

In the same way that things happen for a reason, and how every person that comes in your life will teach you a new lesson, naniniwala din ako na may dahilan kung bakit napupunta sa akin ang isang project. Alam kong may dapat akong matutuhan either from the story or from the people that I work with. Madalas from both: ang dami kong natutuhan from the characters in the movie and the characters that I encounter while working with each film. My 2016 wouldn’t be as challenging and as inspiring if it weren’t for these films.

a834b2ed6ecb6f2148c135f02d17d7f3
These three proud characters taught me how easier life could be when you forego anger and when you choose love above all else.
13754549_10153833189645318_480210740540816589_n
Of course, working with Binibini is always a delight. Nabuhay talaga ulit ang passion ko kasama ang Passion Group na ito! Thank you!!

NAKATRABAHO KO SI ATE VI!! THE VILMA SANTOS!!! There’s a reason why she’s still here in this industry at kung bakit maraming nagmamahal sa kanya. Vivian, her character in the movie, may be harsh and cold-hearted but Ate Vi is very warm and generous. Bukod doon, napaka-professional niya. Inspirasyon talaga!

27-just-the-3-of-us
Uno and CJ will hold a very dear place in my heart. They rose through hard experiences as better people ready to love unconditionally.
13680777_10153833223690318_5383156455925737548_n
Direk Cathy works with her whole heart and her whole being. Nakakabilib! At napaka-swerte ko na pinasilip niya sa akin ang puso niya while working on this film.

I wasn’t able to work on this project full-time but the time I spent was enough for me to learn how love and understanding can bridge our differences as people. I learned through CJ the value of kindness. Sobrang buti niya to love someone like Uno na hindi marunong tumanggap ng pagmamahal. Pero si Uno, sobrang determined to succeed. Just like the pilots (and airline crew) we met during research, Uno knows his shit! Hindi biro maging piloto! Saludo ako sa kanila!

the-achy-breaky-hearts_poster_goldposter_com_1
CHINGGAY! One of my favorite projects of all time!!
14425326_10153975036045318_6317076609321074289_o
Ito yata ang pinaka-malusog na team na kinabilangan ko! Mahal ko kayo mga teh!! Direk Tonet, ang husay mo! AT SIR JP, WELCOME BACK!!

CHINGGAY!! Ang patrona nating mga single. She represents most women. Kahit na gaano ka katalino, kayaman o kaganda… kahit sino ka pa man, kahit ano ka pa, pagdating sa pag-ibig marupok ka. At kagaya ni Chinggay, kahit gaano ka pa karupok, mabubuhay ka parin. Love may break you but it will also make you stronger. At sabi nga ni Whitney Houston, “learning to love yourself is the greatest love of all.”

first-look-the-enthralling-poster-of-barcelona-a-love-untoldfinalposter
Forgiveness, honesty, courage and love. Yan ang tinuro sa akin ni Ely at Mia!
14711308_10154019468065318_3862319154782762330_o
Pang-finale talaga ang lahat ng pinagdaanan ng proyektong ito!! Pero worth it ang lahat!

Marami akong iniluha sa project na ito. Hindi lang siguro ako, madaming tao rin na involved sa paggawa ng pelikula, lumuha rin. Hindi kasi naging madali yung paglikha kay Mia at Ely. Hindi rin naging madali na ipaintindi kung sino sila. Ely and Mia represent the millennials. Especially Mia. Kaya siguro ako naiiyak kasi nakita ko yung sarili ko kay Mia. She escaped from a big mistake but eventually learned to forgive herself and she took the road less traveled. Yung harapin mo yung pagkakamali mo, yung humingi ng tawad sa mga taong nasaktan mo, yung tanggapin kung ano at sino ka, mahirap gawin yun pero nagawa niya. Ayan, naiiyak ako ulit.

This is precisely what I learned from the movie: to take the right path over the easy one. Madalas yung tama at yung dapat, mas mahirap pero mas doon tayo matututo at magbabago. Madalas makakasakit tayo at masasaktan tayo pero dun tayo mas mabubuo. Kaya siguro nauso yung phrase na “I learned it the hard way.” kasi lahat ng paghihirap may kapalit na lesson. And for that, I am grateful!

barcelona-kathniel-memorable-line4
Salamat 2016 Babies!!!

I am grateful for all the hardships, hindi lang sa paggawa ng mga pelikulang ito pero sa lahat ng mga dumaang pagsubok nitong 2016. I will never forget how it helped form the person that I am now. I will take each of all of these lessons with me as I welcome 2017. I’m ready for new projects, new babies and new lessons!! I AM READY!!

With love and a thankful heart, K.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s